Sa panahon ng crisis na ito, natigil ka ba sa bahay at hindi nakikita ang iyong mga kaibigan? Pinagsama-sama namin ang list ng mga libreng online games na madali mong laruin kasama ang iyong mga kaibigan sa mga video call, kahit na nasa malayo ka pwede mo pa rin sila makita or makalaro. Mag-scroll pababa at pumili ng isa, o magkaroon ng isang imaginary party upang subukan ang lahat ng ito.
Gartic Phone
Ang Gartic Phone ay posibleng ang aming favorite free online game upang laruin kasama ang aming mga kaibigan ngayong taon. Ito ay nasa top ng aming listahan. Maaaring narinig mo na ang Telephone Game o Chinese Whispers. Parehong sikat na party game para sa mga bata na nilalaro ng marami sa amin noong bata pa kami. Ang mga taong gumawa ng Gartic Phone ay inspired ng Telephone Game, kaya’t binigyan nila ang standard game ng bago, digital twist na siguradong mae-enjoy mo.
Gumawa nang grupo ng iyong mga kaibigan sa isang voice call at mag-set up ng kwarto. Ang laro ay maaaring magkaroon ng hanggang 30 tao.
Board Game Arena
Gusto mo ba ng mga board game? Alam namin kung gaano kalungkot kapag hindi mo na sila kayang laruin dahil hindi ka makakasama ng ibang tao para gawin ito. Ngunit huwag mag-alala! Ang Board Game Arena ay isang online site kung saan maaari kang maglaro ng higit sa 230 board games. Maaari ka pa ring maglaro ng iyong mga paboritong board game doon. Sa mga sikat na laro tulad ng 6 nimmt! at Saboteur, maraming libreng laro ang mapagpipilian.
Ang design ay simple at madaling gamitin, kahit na para sa mga first-timer, at maaari kang maglaro mismo sa iyong web browser. Ito ang mga laro na maaaring i-play sa real time o sa mga turn-based. Ang site ay may higit sa 4 na milyong manlalaro, kaya kung abala ang iyong mga kaibigan, madali kang makakahanap ng ibang mapaglalaruan.
Tabletopia
Ang tabletopia ay isang bagay na maaari mong subukan kung gusto mo ang mga board game na ginawa ng parehong kilala at mas maliliit na game companies. Ang kanilang digital sandbox system para sa paglalaro ng mga board games ay isang walang katapusang playroom na may higit sa 1000 libreng laro upang laruin. Maaari mo ring gamitin ang kanilang special na editor upang gumawa ng sarili mong laro at makita kung gaano ka kahusay sa paggawa ng mga ito.
NOTE: For more gaming articles, visit Luckycola.tv