3 na Pinakamahusay na Online Multiplayer Games na Ida-download
Tulad ng alam nating lahat, maraming tao ang naiinip kapag nananatili sila sa bahay sa lahat ng oras. Marami sa inyo ang nanonood ng mga movie, website, video sa YouTube, at iba pang bagay para magpalipas ng oras. Ang ilang mga tao, sa kabilang banda ay nagspend ng kanilang oras sa paglalaro. Kung isa ka sa mga taong iyon, maaaring makatulong sa iyo ang game na ito pag ikaw ay bored.
Ludo King- Multiplayer Board Game Online
Ang Ludo ay isang kilalang indoor game na marami sa inyo ay malamang na nilaro kasama ng mga kaibigan at pamilya sa bahay. Ang Ludo King ay isang sikat na laro na gumagana sa Desktop, Android, iOS, at Windows mobile platform. Ito ay batay sa classic board game na Ludo at ginagamit ang mga classic rules. Ito ay isang laro na maaaring laruin ng dalawa hanggang anim na tao sa parehong oras. Ang laro ay mayroon ding secret feature sa chat na hinahayaan kang makipag-usap sa iyong mga kaibigan habang naglalaro ka.
Maaari ka ring mag-imbita ng mga kaibigan sa Facebook na makipaglaro sa iyo ng isang secret game. Maaari ka ring maglaro laban sa isang computer nang hindi connected sa internet. Mayroon itong iba’t-ibang themes, tulad ng Christmas, nature, dance, atbp., kung saan maaaring piliin ng mga player kung ano ang gusto nila. Bukod dito, mayroon din itong mga laro tulad ng mga snakes and ladders na maaari mong laruin kasama ng iyong mga kaibigan.
8 Ball Pool
Ang 8 Ball Pool ay isa pang online game na maaari mong laruin kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Ito ay based sa standard game ng pool, kung saan mayroong anim na pockets na may riles at ang manlalaro ay gumagamit ng cue upang mapapasok ang bola sa mga pockets. Maaari kang gumamit ng mga in-app coins upang maglagay ng mga taya sa iba’t-ibang halaga, at kung mananalo ka, makakakuha ka ng doble sa dami ng mga coins.
Pagkatapos mong i-download ang larong ito, maaari kang maglaro ng 1 vs. 1 laban sa iba pang mga manlalaro ng pool mula sa buong mundo at tumaya gamit ang game’s money. Maaari ka ring makipagkumpetensya laban sa iyong mga kaibigan sa iba’t-ibang mga laro sa pool. Maaari mo ring i-link ang 8 Ball app sa iyong Facebook account at ayain ang iyong mga kaibigan sa Facebook.
FIFA Mobile – Football Multiplayer Games Online
Marami sa inyo ang nami-miss maglaro ng football kasama ang iyong mga kaibigan sa panahon ng epidemic na ito. Kung gusto mo ng sports, siguradong magugustuhan mo ang laro ng FIFA. Alam nating lahat na ang FIFA ay ang pangalan ng isang football tournament na nangyayari tuwing 4 years, ngunit ang FIFA ay isa ring sikat na video game na karamihan sa mga manlalaro ay gustong maglaro. Kung ida-download mo ang larong ito, maaari kang maglaro ng football kasama ang iyong mga kaibigan nang direkta, buuin ang iyong Ultimate Team, o maglaro sa higit na 650 mga laro sa World Tour. Maaari kang maglaro ng 11 vs. 11 na laro kasama ang iyong mga kaibigan nang real time.
NOTE: For more gaming articles, visit Luckycola.tv