Ang Mobile Legends ay isang laro na katulad ng DOTA 2 at League of Legends. Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) na laro para sa mga mobile device, habang ang dalawang larong na Dota 2 at LOL ay para sa PC. Ito ay masaya at kapana-panabik na laruin. Ang mga tao ay naglalaro ng larong ito mula sa buong mundo ngayon. Maaari mong subukan ito. Kahit na nilalaro mo na ang ganitong uri ng laro, narito ang ilang mga tips, pamamaraan, at review ng Mobile Legends heroes na makakatulong sa iyo upang mabilis mong matutunan ang laro.
Paano laruin ito?
Sa larong ito, kailangan mo sumali sa isang team na lima kayo. Ang kailangan ng iyong team ay sirain ang base ng kabilang team. Kailangan mo ng tulong ng iyong mga minions para sirain ang Turret para makalusot ka sa base at makuha ang victory. Tandaan na dapat mong hayaan muna ang iyong mga minions na makapasok sa turret ng kalaban habang ikaw ay nagpapalakas sa pakikipaglaban at kailangan mong kumuha ng sapat na item para mas malakas ang iyong damage sa kalaban, meron ditong mga ilang hero na pwede mong gamitin or i-pick sa loob ng game.
Mga Uri ng Heroes sa loob ng Game:
Huwag magmadaling maglaro ng Mobile Legends kaagad. Ang unang bagay na gusto naming ituro sa iyo ay kung anong mga type mo na hero sa game. Pagkatapos, maaari kang pumili ng magandang Hero para tulungan ang iyong team na manalo sa game.
Marksman
Ang hero na ito ay nakadepende sa mabilis na pag-atake sa kanyang skill. Magagamit mo ang hero na ito para sanayin ang paraan ng “stutterstepping”.
Mage
Dapat kang pumili ng isang Mage hero, isa rin ito na kailangan ng iyong team. Gumagamit ang hero na ito ng magic at ginagawa ang kanyang skill kapag nananatili sila sa likod na pwesto ng kanyang team upang talunin ang mga kalaban o enemies. Siguraduhin lang na pipiliin mo ang tamang Emblem Set, para mas malakas o mas masakit ang iyong damage sa kalaban.
Assassin
Ang ganitong type ng hero ay malakas at maganda gamitin. Ang kanilang mga skills na tumatagal upang mag-recharge ay nagdudulot ng damage sa mga kalaban. Ngunit isa sa mga pinakamahusay na tip sa Mobile Legends ay ang Assassin ay may low defense at health.
Fighter
Ang hero na ito ay ginagamit ang kanyang kamay sa pag atake, ngunit hindi sila kasing lakas ng mga Tank Heroes. Maaari silang lumaban para sa kanilang sarili o mag-isa, at madalas ito ang nangunguna sa pag atake sa mga kalaban. Gayundin, ang mga fighters ay maaaring gumawa ng maraming pinsala sa mga taong iyong kinakalaban.
Tank
Ang hero na ito ay ginagamit para makapagprotect sa iyong team, dahil meron itong sapat na build item tulad ng defense item, pag nabuo mo itong solid na item sigurado na mahihirapan silang mapatumba ang iyong hero, ito ang tank na isa rin sa nangunguna at nagawa ng set upang mahuli ang mga kalaban.
NOTE: For more gaming articles, visit Luckycola.tv