Ang artificial intelligence ay programming na nagbibigay-daan sa ilang character sa isang video game, tulad ng mga Non-playable Characters (NPC’S), at mga enemies, na gumalaw o kumilos sa paraang parang kontrolado sila ng isang tao, o kumikilos nang may pag-iisip.
Ginagamit ang AI upang gawing mas nakaka-engganyo ang mga laro, ngunit ano ang ibig sabihin nito sa practice?
Paano nila nagawa ito?
Ang mga ghost ay naka-program upang malaman ang lokasyon ni Pacman sa Pacman arcade game, ngunit ang bawat isa ay nakatakdang kumilos nang medyo naiiba sa iba pang mga ghost.
May isa sa mga ghost ang nakatakdang gumala, ang isa ay nakatakdang agresibong sundan si Pacman, ang isa ay nakatakdang pumunta sa direksyon kung saan pupunta si Pacman, at ang isa ay nakatakdang gumalaw nang random maliban nalang kung ang isa pang ghost ay malapit nang mahuli si Pacman, at ang huling ghost ay nakatakdang sundan si Pacman kapag siya ay malayo, ngunit pumunta sa isang partikular na lokasyon sa mapa kapag siya ay malapit na.
Ang apat na behaviour na ito ang gumagawa sa mga ghost, kahit na sa isang laro mula 1980, ay nakitaan na ng Artificial Intelligence o AI. Pakiramdam nila ay buhay sila at may nagko-control at iyon ang layunin ng AI sa mga video game.
Bakit Mahalaga ang AI?
Halos lahat ng laro ay gumagamit ng AI para ma-improve ang gameplay ng laro. Kung wala ito, magiging mahirap para sa isang laro na magbigay ng nakaka-enjoy na experience para sa mga players nila.
Ang layunin ng AI ay isali ang player hangga’t maaari, sa pamamagitan ng pagbibigay sa ibang mga character sa laro ng parang real-life quality AI, kahit na ang laro mismo ay naka set sa isang fantasy world.
Habang nagiging mas mahusay at mas advanced ang AI, nagbabago rin ang mga opsyon para sa kung paano ito nakikipag-ugnayan sa karanasan ng isang manlalaro.
Mga Pros at Cons ng AI sa Video Games.
Ano nga ba ang Advantages at Disadvantages ng umuusbong na Artificial intelligence, at ang mga bagong teknolohiya na lumalabas? Narito ang ilan lamang sa mga Pros at Cons na dapat isipin sa pagpasok natin sa New Gaming world.
-
PROS
Habang umuunlad ang AI, maaari nating asahan ang mas mabilis na cycle ng pag-unlad dahil ang AI ay maraming kayang mga gawin. Ang mga mundo at karakter na nabuo ayon sa program ay magiging mas advanced.
Hindi mo na makikita ang random na paglalakad ng NPC na may isa o dalawang estado na lang, magkakaroon sila ng panibagong mga aksyon na maaari nilang gawin upang gawing mas nakaka-engganyo ang mga laro.
-
CONS
Habang nagiging mas advanced ang AI, ang mga game developers ay nagkakaroon nang mas kakaunting control sa mga AI. Ibig sabhin nito, ay maaaring ma overpass ng AI ang naturally plotted program kung paano ba dapat patakbuhin ang isang laro.
For more AI tips, visit Luckycola.tv