Nang lumabas ang Nintendo GameBoy noong 1989, binago nito ang paraan ng paglalaro ng mga Solo Gamers. Bago lumabas ang GameBoy, ang mga manlalaro ay na-trap sa mga system gaming consoles na kailangang connected sa isang TV. Pagkatapos ay dumating ang GameBoy at nagbago ang lahat.
Kasabay nito, inilunsad ang iba pang mga handheld game system kabilang ang Sega Game Gear, NEC TurboExpress, at Atari Lynx. Ang bawat isa ay may sariling mga Pros and cons, at ang GameBoy ng Nintendo ay tumagal hanggang sa lumabas ang mas Advance version nito makalipas ang ilang dekada.
Ang Gameboy Advance ang pang 6th Generation system ng GameBoy, at lumabas ito noong 2001. Ngunit ang unang GameBoy Advance ay walang illuminated screen. Gayunpaman, noong 2003, sinimulan ng Nintendo na bigyang pansin ang maliliit na bagay na gumawa ng malaking pagkakaiba.
Sa article naming ito, makikita mo ang TOP GBA o GameBoy Advance Games
TOP 5 GBA o GameBoy Advance Games in the Market
Castlevania: Aria of Sorrow
Ang Aria of Sorrow ay isang magandang pagpipilian kapag gusto mo ng isang serious story na may twist ng kaunting enjoyment at mayroon ding kaunting kalungkutan. Ang mga Developers ng larong ito ay nakuhang i-pagcombine ang dalawang best na naunang version ng Castlevania kaya nalikha nila ang Castlevania: Aria of Sorrow
WarioWare Twisted
Kung maniniwala ka, ang larong ito ay may motion sensor na direktang nakasama sa cartridge. Meaning, ang cartridge nito ay may capability na mag sense ng motion. Dahil lang dito, ang larong ito ay isa sa mga pinakamahusay na laro ng GBA na ginawa.
Legend of Zelda: A Link to the Past with Four Swords
Ang GameBoy Advance na verion ng Zelda na ito, na batay sa “Pun intended” na Zelda, ay gumawa ng magandang advancement sa pagkuha ng idea sa original Zelda game at pagdaragdag ng bagong feature na tinatawag na Four Swords. Nagpakilala rin ito ng maraming bagong feature na naging mas malakas kaysa sa version ng SNES.
Tony Hawk’s Pro Skater 2
Ang game na ito ay magandang laruin lalo na para sa sinumang lumaki sa panahong ito at mahilig sa skating noong bata pa sila. Kahit na available ito sa ibang mga system, ang version ng GameBoy ay walang gaanong visual na details gaya ng version ng PlayStation, ngunit napakasaya pa rin nitong laruin gamit ang mga Handheld Consoles.
Super Mario Advance 3: Yoshi’s Island
Ang Yoshi’s Island ay unang inilabas noong 1995 para sa SNES, pero ang isang ito ay Port version para sa GameBoy. Upang manalo, ang mga manlalaro ay kailangang dumaan sa maraming levels na may mga trap, puzzles, at mga kalaban.
Summary
Maraming mga bagay ang maaaring gawin para maglibang. Pero sa Case ng mga Gamers, Arcade Games, Mobile games o games sa mga Handheld Consoles ang trip nila. Nabigyan ka na naming ng ilan sa mga Top GBA Games na ginawa, at sa mga susunod pa naming article, ipapaalam namin sa inyo, kung ano ang naging basehan namin sa pagpili ng Top GBA Games.
For more gaming articles, visit Luckycola.tv